Dalawang children’s musical ang napanood ko nung Sunday, September 28, 2008 sa PETA Theater Center. Una ang Lola Basyang ng 10am at sumunod ang Batang Rizal ng 3pm. Bahagi ito ng PETA sa ika-41st Theater Season.
Lola Basyang:
Matrabaho ngunit malinis ang direksiyon ni Phil Noble. Isang skeletal steel (?) na nababaklas-baklas ng iba’t-ibang anyo ang matutunghayan sa entablado. Brilliant ang set (Mel Bernardo) at interesting gamitin sa pabago-bagong mga porma sa bawat eksena. Pangit ang ilaw (Roman Cruz) at flat na flat ang pagkakadisenyo nito. Baka ikagalit ito ni Adolphe Appia samantalang matutuwa si Vsevolod Meyerhold sa constructivist set design. Makulay at matalino ang pagkakadisenyo ng costumes (Ron Ryan Alfonso). Mala-mala lang ang musika ni Noel Cabangon. Madali itong makalimutan ng manunuod.
Sa performance naman ng mga artista, mahina ang simula ng eksena at napaka-bagal ng transition pagkatapos ng bawat dula (3 stories kasi ang ikuwento ni Lola Basyang). Bilang children’s musical, isang aspeto para maging effective ito sa entablado ay kung gaano ka-tight ang pacing and rhythm ng dula, regardless of the interactions with the audience. Dapat sakto at mabilis. Direktor ang makakapag-control nito.
Mahusay si Bernah Bernardo bilang Lola Basyang. Nakakatuwa din sina Joan Bugcat, Wylie Casero at Meann Espinosa.
Antabayanan ninyo ang career ni Abner Delina, Carlon Matobato at Carl Guevarra. Kehuhusay na mga bagets umarte at natural ang pagpapatawa. Si Delina, marunong tumimpla sa seryoso at komikong approach. Si Matobato, mahusay gumalaw at bumato ng punchline. Si Guevarra, may appeal sa pagpapatawa, naaalala ko si Niño Mulach sa kanya.
Batang Rizal:
Mahusay naman dito ang pagkakasulat ni Christine Bellen bilang pambatang dula na may musikang nakapaloob. Gusto ko rin ang tamang timpla ng direksiyon ni Dudz Teraña. Hindi ko type ang set (Mel Bernardo), masyadong literal na maaari namang hindi pero mauunawaan pa rin naman ng mga bata. Narinig ko na ng ilang beses ang tunog ng musika ni Vincent De Jesus, at may trademark at style na siya. Maganda iyon kung ‘authorship’ ang pag-uusapan at ‘auteur’ naman talaga si De Jesus mapa-playwright man o composer. Hindi ko din type ang mga costumes (Ron Ryan Alfonso) na ginamit gayundin ang ilaw (Ian Torqueza). Metikuloso talaga ako sa ilaw ewan ko ba kung bakit. Alam ko kung may mali sa ilaw at wala. Para sa akin, may story dapat ang ilaw. Di ko tuloy naapreciate ang presence ng Anino Shadow Play Theater Collective na pinamumunuan ni Don Salubayba. Mahusay pa naman ang kanilang illustrations.
Nakatulong sa pagkakabuo-buo ng mga elementong panteatro sa pamamagitan ng mga artistang nagsiganap tulad nina Ian Segarra, Joan Co, Kitchie Pagaspas, Carlon Matobato, Ronna Guba, Mary Ann Espinosa at Wylie Casero. Bagay naman bilang batang Rizal si Abner Delina bagama’t may tendency na maging ‘mannered’ (sobrang aral na aral ang pag-arte) sa pag-arte, nawawala tuloy ang spontaneity na sobra-sobra naman kay Carl Guevarra bilang Pepito. Ang ikinaganda kay Guevarra, matalino at natural niyang mina-maneobra ang kanyang role sa dula. Mahusay din pareho kumanta ang dalawa.
Base sa dalawang dulang pambatang aking napanuod, maalam ang PETA kung paano gumawa ng children’s musical play. Buo ang konsepto at hindi nagpapakita ng hilaw na pagtatanghal. Maaayos din ang pagpili ng mga dulang isinasali sa Theater Season nila at sa pagpili ng mga mandudula at direktor.
Ang PETA ay patuloy na umiikot sa iba't ibang lokasyon sa Maynila at labas. Bisitahin ang kanilang website para sa lugar na paglalabasan ng mga dulang pambata sa petatheater.com o tumawag sa 410-08-21 para sa impormasyon sa nalalabing pagtatanghal sa kanilang PETA Theater Center.